Thursday, July 23, 2009

KAKAIBANG PAG-IBIG



Minsan, wala ka lang magawa at biglang mapapaisip ka. Mapapaisip ka ng mga bagay na di mo naman inaasahan na magbubunga ng isang kanta kagaya nito...heheh makata ba?

Nabuo ko ang kantang 'to noong papasok ako sa dating kong pinagtatrabahuhan sa opisina namen sa Pasay. Nasa jeep ako noon. Sobrang natatawa ako sa sarili ko pero pigil na pigil ako kasi magmumukha akong sira dahil wala naman akong kausap at bigla akong tatawa ano? Malay ba ng ibang mga pasahero?!

Ang kantang ito ay nabuo dahil sa mga taong pinagtitripan ang aking "pagkatao" na magbago na daw ako, at sayang. Sagot ko naman, mas sayang lang kung babae nga ako at mapupunta lang sa mga kagaya nilang MAPILIT!

Ang concept nito ay mala-jukebox ang atake sa pagkanta...at ang background music ay pinangungunahan ng acoustic guitar. Tipong bossa ang style ng pagtugtog, pero parang hindi ako convinced kasi, parang iba pa ang tawag dun eh at parang iba pa ang timing nito. 'Di ko lang maalala ang tawag dun! Malalaman ko din!

Dahil sa tuwa ko, 'di ko na din natiis, pagkatapos ng ilang buwan, eto na at isheshare ko na ang kalokohan ko! 'Di ako nakatulog hangga't 'di ko sya na-edit, kaya inumaga na talaga ako! Pero eto na ang lyrics...pang-kantahang lasing lang ba! ENJOY!

(wala pang title 'to at chorus...nirecord ko lang talaga yung idea...sayang naman, baka mawala!)

"Mamahalin kita, mamahalin kita,
Kahit na tayo ay magkaiba
Mamahalin kita, mamahalin kita,
Kahit na kilos mo'y nakakaduda...
Mamahalin kita, kahit 'di ka natutuwa.
Basta't walang nais kundi, ika'y ibigin...

IIbigin kita, iibigin kita,
kahit na sa'yo ay balewala
Iibigin kita, iibigin kita,
kahit na sa'yo ay walang makuha...
Iibigin kita, kahit tila (tibamba ka/ika'y bakla).
Basta't walang nais kundi, ika'y mahalin..."

No comments:

Post a Comment